Page Title
P240 M, nakulimbat ni Willie Revillame?!
Written by Tita Swarding
September 5, 2008

OLA CHIKA! HOW true kaya ang chikang ito na nai-chika sa akin ng aking Parazzi girl na halos P240 million raw umano ang nakulimbat ni Willie Revillame sa kanyang sweldo sa ABS-CBN sa loob ng isang taon, huh! Nakakaloka naman ‘yan!


Dagdag pa ng aking Parazzi girl, dahil malapit na nga raw magtapos ang kontrata ni Willie kaya ang drama raw nito ay ‘take it or leave it.’ Huh! Kaya raw pinagbigyan naman siya. Ang masaklap nga lang, siya raw ang masusunod sa Wowowee, lalo na pagdating sa kung sino ang gusto niyang co-host at guest na artista. ‘Pag gusto nga niya, ayun ora mismo, ‘and’yan ka na sa Wowowee, bilang co-host, at ‘pag ayaw niya, ayun tsugi ka! Huh!


Ganyan daw ka-powerful itong si Willie. Nakakaloka naman ‘yan! Isip-isipin nating malaki talaga ang kanyang buong sweldo sa loob ng isang taon na P240 milyon, na ibig sabihin, P20 sa isang buwan, huh!


In fairness naman kay Willie, marami itong natutulungan, lalo na ang ating mga kababayang mahihirap din. Tumutulong ito ng palihim. Kilala ko ‘yang si Willie, dahil matagal ko na ‘yang nakasama sa telebisyon.


Dagdag pa ng aking Parazzi girl, kaya ganun na lang daw kalakas magsalita si Willie, na milyones ang kanyang binabayaran na buwis. Hmm… eh, siyempre makikita naman sa mga ari-arian niya ‘di ba? Agree ako d’yan. ‘Yun na!

 

 

GAANO KAYA RIN katotoo ang chikang ito, na balak na raw makipag-ayos ni Konsehala Aiko Melendez kay Ara Mina, huh! In fairness naman, ang lalaking kanilang pinag-agawan ay nasa kamay na ni Pops Fernandez (si Pops ang nagwagi, huh!). Nakakaloka naman!


Siguro ito na nga rin ang time para mag-ayos na sila, dahil sa tagal na ng isyu na ‘yun na halos kinakalawang na. Hesusmaryosep, ‘di na dapat kalkalin pa! Dahil matagal nang naka-move on itong si Konsehala Aiko, at gayundin naman itong si Ara, ‘di ba?


Pero ewan ko lang kung ano ang masasabi ni Ara sa chikang ito na balak na nga raw makipagbati ni Konsehala Aiko, huh! In fairness to Aiko, gumanda ito lalo ngayon, dahil pumayat na ito at bumalik na sa dati nitong kaseksihan. ‘Di kagaya ng dati na parang aparador (hindi ito paninira, ha?). Ngayon, ang seksi niya. Haping-happy si Aiko ngayon lalo na sa kanyang dalawang anak, at busy rin ito sa work. ‘Yun na.

 

e-mail: tita_s2006@yahoo.com

 

PHOTO: WILLIE REVILLAME

 

previous article