Page Title
Sunod-sunod ang malulungkot na balita sa showbiz!
Written by Lolit Solis
September 5, 2008

 

HANGGANG NGAYON, TAHIMIK pa rin sina Albert Martinez pati ang ibang pamilya ni Liezel Martinez na napabalitang may sakit na breast cancer.


Ayon sa balita ng The Buzz, nasa resthouse daw ni Aga Muhlach sa Batangas si Liezel at doon nagpapahinga. Pero walang nagkumpirma kung totoo itong balitang may breast cancer nga siya.


Ang reporter namin sa Startalk, panay ang kulit sa kanila pero nakikusap silang huwag nang palakihin dahil wala namang magsasalita tungkol diyan.


Nu’ng nakaraang linggo, na-interview ng Startalk ang mag-asawang William Martinez at Yayo Aguila pero malabo rin ang sagot nila pagdating kay Liezel.


Si Yayo pa naman, sobrang close ‘yan kay Liezel, pero wala ring comment. Inaamin niyang madalas ang text nila, pero mabuting hintayin na lang daw na sila na ang magsalita. Mabuti sana kung binigyan sila ng permisong sila na ang mag-break ng news pero hindi naman.
Kahit si William, hindi raw nila ito napag-usapan ng kapatid niyang si Albert. Kapag nag-uusap daw sila, tungkol sa negosyo lang daw ang pinag-uusapan nila. Parang hindi naman totoo ‘di ba?


Pero siguro, mabuting huwag na ngang kulitin dahil obvious namang ayaw nilang pag-usapan ito.


Ang hinihintay ko si Amalia Fuentes, dahil kung totoo man ito, tiyak na siya ang sobrang apektado.


Basta patuloy na lang nating ipagdasal si Liezel dahil napakabait pa naman nito. Hay, depressing naman itong mga ganitong balita!

NITONG NAKARAANG LINGGO lang, nakakaloka ang mga kuwentong naririnig natin tungkol sa ilang celebrities na may malubahang sakit at ang iba nga, namatay na.


Si Tiya Dely Magpayo na kasama namin sa DZRH, pumanaw na nu’ng nakaraang Lunes ng gabi at nakatakda na nga itong ilibing sa Sabado ng hapon.


Sobrang apektado ang mga kasamahan namin sa DZRH dahil mabait sa lahat si Tiya Dely na itinuturing nang institusyon sa radyo.


Mabuti na lang at si Ely Buendia naman na nasa Philippine Heart Center pa rin ngayon, medyo okay na raw ang kalagayan niya pagkatapos itong ma-angioplasty.
Hindi naman daw totoong iba-bypass ito dahil nakita namang wala nang nakabara sa artery niya.


Ang iniisip lang ng asawa ni Ely na si Diane ay ang cremation ng ina ni Ely na sumakabilang-buhay na nu’ng bago ang kanilang reunion concert.


Gusto raw sana nilang makadalo si Ely sa huling misa sa kanyang Mommy at sa cremation nito. Pero dalawang linggo pa raw ito sa hospital. Depende pa raw iyan sa doktor nito kung papayagan ba siyang lumabas sandali para sa kanyang ina.


Nakakalungkot naman.

 

PHOTO: ALBERT MARTINEZ

 

previous article