Dennis da menis!
Kokit Blancaflor
September 5, 2008
.jpg)
More photos after the article.
Last week, nagpaka-gentleman ang aktor na si Dennis Trillo nang sunduin niya ang Italian singer-actress na si Andrea de Logu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Si Andrea ang isa sa mga na nakapareha niya sa pelikulang I.T.A.L.Y. (I Trust and Love You) na showing na sa September 17. Kasama ni Andrea si Barbara Clara, na kanyang kasamahan, para na rin makapag-promote ng kanilang album dito sa Pinas na, “Cinema 2.” Usap-usapan nga na marami (raw) kissing scenes sina Dennis at Andrea sa most awaited romantic-comedy film ng GMA Films ngayon, na shinoot pa sa Italy, France, Spain, at Africa. Nagge-guesting na nga sina Dennis at Andrea sa ilang shows sa GMA-7 bilang promotion ng pelikula at makikitang medyo komportable na sila sa isa’t isa. Hmmm, hindi kaya nagka-develop-an na silang dalawa habang ginagawa ang pelikula?
Parazzi Wires photos