Page Title
Albert Martinez, patuloy sa pagtatrabaho sa kabila ng mabigat na pagsubok sa buhay
Written by Chit Ramos
September 5, 2008


INIS NA INIS ang 10-year old nating reader na si Ruth Mora mula sa malayong Danacbunga (Botolan, Zambales) sa Wednesday issue natin ng Pinoy Parazzi. Pakinggan natin ang kanyang himutok:


“Bakit po pinapapangit ng diyaryo n’yo ang mga guwapong actor at magagandang actress natin. Kaya nga po artista ang mga ‘yan, dahil, magaganda silang tao. Tingnan n’yo na lang po ang favorite kong si John Lloyd Cruz. Sa cover at page 12 po, ang pangit-pangit nya. Hindi po yata marunong ang mga photographers n’yo. Si Diether Ocampo rin po sa page 10. Hindi po marunong mag-cut out ang lay-out artist ninyo, pinapangit din po si Diet. Si Cristine Reyes, ang amo-amo ng mukha niya, pero mas pinili nilang lagyan ng pangit na litrato. Lalo na si Gabby Concepcion po sa page 12, mukhang noong panahon pa ni kopong-kopong nakunan iyon. Baka tinamad pong maghanap ang naglagay noon, magagalit po kami. At hindi na po ako magpapahanap pa ng dyaryo n’yo. Sa Iba, Zambales pa po namin binibili ang Parazzi dahil wala dito sa Botolan. Sayang ang pamasahe, kung pinalulungkot naman po ninyo kami kapag binubuklat na ang pages ninyo. Noong una, tuwang-tuwa po kami, pero ngayon ay hindi na po.”


Natitiyak ng BUllCHIT na aaksyunan ito ng aming editor-and-chief. After-all, the customer is always right. Tsaka, mukhang agree kami sa nag-email na ito, okey.

IPINAGBAWAL SA PESSCON ng Kahit Isang Saglit teleserye na tanungin si Albert Martinez tungkol sa balitang may cancer ang kanyang asawang si Liezl Sumilang-Martinez.
Kauna-unawa ito ‘pagka’t nasasaling ang isang napakabigat na bahagi ng puso ni Albert at mga nagmamahal kay Liezl, lalo na ang kanyang mga anak.


Inaalala din ng inyong lingkod ang dati kong favorite actor since high school na si Romeo “Bobby” Vasquez. Nasa ibang bansa siya at alam kong itinatawag na rin ito sa kanya nina Albert at Liezl.


Hindi kasi naiiba si Liezl kay KC Concepcion na kahit hiwalay ang kani-kanilang mga magulang, gumagawa sila ng paraan ng maging close sa kanilang biological father.
Umaasa na lamang ang mga ito na hindi terminal ang anumang karamdaman ni Liezl. Mayroon din kasing nakukuha sa operasyon at nariyan ang Panginoon na puwedeng alayan ng dasal para gumaling ang isa nating kapatid sa pananampalataya.


Hindi rin kataka-taka kung isang araw, dumating sa bansa si Bobby pagka’t hindi niya siyempre matitiis ang kanyang anak.


Mahirap ang kalagayan ni Albert ngayon. Sa tindi ng kanyang problema, kailangan niyang harapin ang pagsubok ng buhay. Nariyan ang KIS na kailangan niyang tapusin, dahil lilipat siya sa iba niyang proyekto. Tinutukoy natin ay isang malaking pelikulang siya ang may konsepto, ang Rosario na ididirek ni Mario delos Reyes. Kung noong una, inaalok nilang gampanan ito ni Maja Salvador at Gabby Concepcion, ngayon ay naghahanap sila ng iba, dahil pareho palang hindi maa-accomodate ng sked nila (Gabby and Maja) ang proyectong ito na sa totoo lang, napakaganda ng scope. If only magiging available ang dalawang nabanggit na artista this year, malamang na tinanggap nila ito.

 

PHOTO: ALBERT MARTINEZ

 

previous article