Page Title
Bery Betty-ful ang Betty La Fea
Parazzi News Service
September 5, 2008

 


More photos after the article.

 

 

Magsisimula na sa Lunes ang pinakaaabangan at pinakamalaking teleserye ng Kapamilya, ang Pinoy version ng I Love Betty La Fea sa primetime bida. Mula pa sa Columbia, nagkaroon na ng iba’t-ibang bersyon ang Betty La Fea sa iba’t ibang parte ng mundo. At ngayon, muling bibigyang-kulay ni Bea Alonzo ang katauhan ni ugly Betty sa telebisyon.


 Sino ba naman ang hindi mae-excite na mapanood ang Pinoy Betty sa telebisyon? Bukod sa muling pagtatambal ng Drama Prince and Princess ng Dos na sina John  Lloyd Cruz at Bea Alonzo, kakaibang mga karakter ang gagampanan nila rito. Ang napakagandang si Bea, kailangang ma-achieve ang perfect “ugly” look ni Betty. Ang “Billion Peso Man” naman na si John Lloyd, opposite sa totoong buhay ang kanyang karakter bilang si Armando Solis. Adventurous kasi ang karakter ni Armando lalo na pagdating sa mga babae. Magiging rebelasyon rin ang pagiging kontrabida ng 1993 Ms. World 2nd Princess na si Ruffa Gutierrez. At siyempre, kaabang-abang din si Mr. Suave Vhong Navarro. Very obvious naman na kahit anong role ang ibigay kay Vhong, dalang-dala niya ito samahan pa ng pagiging natural niyang komedyante.


Kaya sabay-sabay nating subaybayan ang kwento ng buhay ni Betty. Hindi man siya biniyayaan ng pisikal na kagandahan, umaapaw naman ang kagandahan ng kanyang pagkatao. ‘Yan ang tunay na kagandahan ng isang tao!


Photos by FERNAN SUCALIT

 

previous article