Page Title
Face Off 2
Kokit Blancaflor
September 5, 2008

 

Oops take a look guys. Baka namamalik-mata lang kayo o baka sabihin n’yong naangguluhan lang ng kamera ang mga litratong ito. Ngayon naman, take a closer second look. O ‘di ba mukhang twin sisters or mag-ina lang ang female celebrities na ito. Bakit naman hindi? Mas masaya kayang may kamukha lalo na sa showbiz para kapag kailangan ng dobol sa eksena aba’y ipasok kaagad ang kamukha. Minsan naman, kapag ang istorya mo ay nangangailangan ng higit sa isang magkamukhang artista, hindi na kailangan pang gumamit ng kamera trick? O ‘di bam as tipid na sa film, mas masaya pa sa set! ‘Yun nga lang, double the talent fee din ba ito? Hehehe!


Kaya kung medyo nabitin kayo sa ating Face Off 1, ‘eto na ang round 2!  

 

 

More photos after the article.

 

 

    • Kung titignan, parang magkapatid itong si Angel Locsin at Glaiza de Castro dahil sa pagkakahawig ng kanilang facial features. Kahit ayos ng buhok, parehong-pareho sila. Pwedeng pwede nang mapagkamalang kambal ang dalawa. Kahit na sabihin nating Kapuso si Glaiza at Kapamilya na si Angel, aba’y mukhang iisa lang ang make-up artist nila. ‘Di naman siguro, sadyang magaganda lang isguro ang dalawang dalagitang ito.

     

      • Noong sumasali pa lamang sa Starstruck si Megan Young, marami na ang nakakapansin sa pagkakahawig niya sa premyadong aktres na si Dawn Zulueta. Sa tindig at porma pa lamang nagmimistulang mag-ina ang dalawang babaeng ito. Ngayon, kung kayang manalo ni Megan ng acting award sa FAMAS, masasabi na nating magkatulad sila ni Dawn. O ‘di ba bongga.

    previous article