Page Title
Sexy commedienne, sa ibang bansa tumitikim ng mga lalaki!
Written by Ambet Nabus
September 5, 2008

Hindi na raw nagugulat si Rhian Ramos sa mga intriga lalo na kapag mayroon siyang project. "Nasanay na ako eh, kaya pinag-aaralan ko na lang na dedmahin," tsika ng batang aktres na magdedebut na ngayong October 4.


Dahil malapit na kasing ipalabas ang I.T.A.L.Y kung saan isa siya sa mga bida, heto at iniintriga na naman ang pagiging playgirl diumano nito. Mismong sa anak ni Atty. Felipe L. Gozon, presidente at Chairman ng GMA 7 inili-link ngayon si Rhian. Si Philip Gozon nga raw ang bagong dine-date nito.


"Date? I haven't been dating him or kahit sinuman. Hindi ako nakikipag-date sa kahit sinong tao, lalaki man or babae. Nakita ko siya [Phillip], pero hindi date ‘yun," sabay kuwentong sa bahay nga ng mga Gozon sila nagkita ng guwapong binata na nag-aaral sa Boston.
Du’n nga raw siya naimbitahan ni Ms. Annette Gozon-Abrogar, presidente naman ng GMA Films at kapatid ni Philip, para pag-usapan nila ang nalalapit niyang debut.


Ayon pa sa batang aktres, ni hindi nga raw niya masasabing close friends sila dahil masyado raw iba ang level ng matalino at guwapong binata sa kanya. "Nakakahiya naman. I just happen to know him dahil anak siya at kapatid ng mga boss ko. He was very nice to me at nakakailang at nakakahiya namang matsismis siya sa akin," dagdag pa ni Rhian.


Dedma rin si Rhian sa naibalita natin ditong item tungkol sa naging pananaw ni Alessandra de Rossi sa pagtanggi nito para maging kanyang kontrabida sa La Lola, ang fantaseryeng maglulunsad sa kanya bilang major TV star.


"Mas maganda na lang pong magtrabaho nang magtrabaho para masaya," hirit nito.

Meanwhile, kalat na kalat na ang tsika tungkol sa sexy-comedienne na inilalarawan ngayon bilang makati pa sa gabi dahil sa kakaibang hilig nito sa mga lalaki. Hindi nga lang iilan ang nagpapadala ng e-mail letters sa amin relating, na mukhang nangangailangan na ng professional help ang sexy comedienne na ito.


Kagagaling lamang nito sa isang out-of-the-country sojourn kung saan kasama niya ang ilang mga sexy celebrities din and other performers na nagkaroon ng series of show sa isang iba't ibang key cities sa bansang pinuntuhan.


Ang tsika, lagi na lang daw may kasama sa kanyang kuwarto (ayon sa isang email letter and it read: "laging may naiimbitahan to join her in her room.") ang naturang celebrity at kahit hindi daw sila mag-wan-plus-wan, alam nilang may milagrong nagaganap. Bukod kasi sa mga guwapo at bata (another letter described: "athletic look.") ang nakakatuwaang imbitahan ni sexy comedienne, eh halos du’n na raw ito diumano nag-sleep over.


Sa abroad pala kapag may mga related shows gaya ng nabanggit, mayroon ding mga kapwa Pinoy natin na masaya nang tumitira din sa hotel kung saan naka-billet ang mga artista para daw mas nakaka-bonding nila ang mga ito. At ilan nga sa kanila ang nagparating ng kuwentong ito dahil sa nagkumpara sila ng kanilang mga obserbasyon.


Tsk, tsk, tsk! Ang siste lang, mukhang hindi nag-ingat itong si sexy comedienne dahil marami palang mga mata ang laging nakatugaygay sa kanya lalo na kapag alanganing oras na. Take note, hindi lang sa isang key city nangyari ito, ha? In at least three cities daw, naganap ito kaya do your math in calculating kung ilan ang naka-eksena ng sinasabing malanding sexy comedienne na ito, considering na wala pa silang isang linggo du’n?. Grabeh... as in!!!

 

PHOTO: RHIAN RAMOS


 

previous article