Page Title
Niņa Jose, nagsunod-sunod ang projects nang magpakita ng katawan!
Written by Nitz Miralles
September 5, 2008

PARANG HINDI MAGKATUGMA ang sinabi ni Dennis Trillo sa presscon ng I.T.A.L.Y.  na mutual decision nila ni Christine Reyes ang break-up nila dahil nakita raw nag-iiyak ang actress. May nagtsika pang sa newspaper lang nito nalamang hiwalay na sila ng actor.
Sabi ni Dennis, slight na career move ang pakikipag-break niya kay Christine, pero mas dahil sa kagustuhang pareho silang matahimik.


“Magulo ang relasyon namin at hindi dahil sa aming dalawa, kundi dahil marami ang hindi sang-ayon. Ang factor na ‘yun, malaking stress sa relasyon, ngayon ‘di na kami nagkikita at tigil na rin ang communication,” wika ni Dennis.


Nilinaw nitong hindi siya nakipag-break para maghanap ng iba dahil focus na uli siya sa trabaho. Magiging busy siya sa promo ng movie at sasabay pa ang taping ng Gagambino, his next TV show for GMA 7.

 

 

MAGANDANG BIRTHDAY GIFT kay Niña Jose (she turned 20 last August 26) ng ABS-CBN ang pagsama sa kanya sa cast ng My Only Hope, na tampok ang love team nina Kim Chiu at Gerald Anderson at papalit sa Your Song. Malapit na ring simulan ang Bad Girls, ang launching movie niya sa  Regal Entertainment kasama ang iba pang Regal contract stars ni Mother Lily at sa direksyon ni Joel Lamangan.


Nakatulong nang malaki kay Niña ang pagko-cover sa FHM dahil napansin siya at nagkasunud-sunod ang project niya. In fact, in-offer-an siyang isama sa Hush Hush ng TV5, hindi lang nito natanggap at baka magka-conflict sa shows niya sa Ch. 2.
Yes, shows, dahil siya rin ang ikino-consider i-partner kay Ryan Agoncillo sa TV remake ng Pieta at gagampanan ang role na ginampanan ni Vivia Velez sa pelikula. Inaayos kung makakaya ni Niña ang dalawang regular shows.


Samantala, Kapamilya itong si Niña, pero gusto si Marian Rivera at inaming pinapanood ang Dyesebel. Paulit-ulit ang dialogue nitong “I love ate Marian,” pero hindi magagalit sa kanya ang Ch. 2, dahil mas marami siyang love na artista ng Dos gaya nina Claudine Barretto, Khristine Hermosa at Ruffa Gutierrez.

 

 

PINAGSAMA-SAMA NA NAMAN ni Mother Lily ang mga artista ng ABS-CBN at GMA 7 sa Shake, Rattle & Roll X. Gaya na lamang sa episode na Energy na pagtatambalan nina JC De Vera at Roxanne Guinoo na parehong pambato ng Dos at Siyete.


Wala pang cast ang Class Picture episode, pero tiyak kaming well-represented ang dalawang networks dahil ito ang episode na may pinakamaraming cast. Bida si Eugene Domingo sa Nieves episode at makakasama naman niya si Jennica Garcia.


Nakakatuwa lang pagdating sa promotion ng movie dahil hindi puwedeng mag-promote ang talents ng dalawang networks sa hindi nila istasyon at nangyayari, kanya-kanya sila ng promotion. Ang advantage, mas malaki ang mileage ng promo at pabor ito sa mga producer.
Mas nakakatakot daw ang three episodes ng SR&R X this year na isa sa two entries ng Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival.

 

PHOTO: NIÑA JOSE

 

 

previous article