Page Title
Iba na ang Mautak: Napoleon “Billy” Abueva
Parazzi News Service
September 5, 2008

Kung nakapagsimba ka na sa EDSA Shrine doon sa may Ortigas, malamang nakita mo na ‘yung mala-higanteng bronze sculpture ni Mary Queen of Peace o tinatawag din na Our Lady of EDSA.


Kilala mo ba si Napoleon Abueva? Hindi siya ang gumawa nu’n. Pero siya ay National Artist for Visual Arts na kilala rin bilang “Father of Modern Philippine Sculpture.” Doon sa EDSA Shrine, mayroong 14 Stations of the Cross na gawa sa tanso, ‘yun ang ginawa ni Abueva. Isama mo na rin ang marmol na altar sa mismong chapel, siya lang din naman ang iskultor sa likod nu’n. Kung nadadako ka naman sa UP Diliman, siya ang may gawa ng UP Gateway, ng “Diwata” sa may Faculty Center, at marami pang iba. O, next time na mapadpad ka sa mga lugar na ito, at least, masasabi mo sa kasama mo kung sino ang naglilok ng mga ito.

 

previous article