Piolo, ayaw maging sperm donor kay Ai Ai!
Written by Pilar Mateo
September 5, 2008
TULUYAN NANG BINASAG ng aktor na si Jericho Rosales ang pananahimik niya hinggil sa matagal nang naghahanap ng kasagutan sa tanong kung totoo ba’ng may third party sa naging hiwalayan nila ng kanyang pinakahuling girlfriend, maliwanag ang sagot - WALA!
At kahit ang Malaysian model and actress na si Carmen Soo, na biniktima pa at inintrigang leading lady ni Jericho sa malapit nang ipalabas na teleseryeng Kahit Isang Saglit sa ABS-CBN, sa pakikipagtulungan sa Double Vision ng Malaysia, itinatanggi na may romansahang namagitan sa kanila ng aktor nang gawin nila ang mahahalagang eksena nila sa Malaysia.
Kahit na matagal-tagal ding namahinga sa mainstream scene si Jericho bilang isang aktor, binigyang laya naman nito ang kanyang passion sa pagiging isang musikero, na naging daan din daw para naman ang mga saloobin niya eh, maisalin niya ang mga titik sa musika.
Hindi rin daw puwedeng ma-insecure at ma-threaten si Jericho sa mga nakasama na niya at kaibigang gaya ni Piolo Pascual at ang sumusunod naman dito na si John Lloyd Cruz. Oo nga raw at nu’ng nakikita na niya ang naglalakihang billboard ng mga ito, meron lang parang kurot sa puso niya, worth pa rin naman daw ang pagsasakripisyo niya para meron din siyang ibang magawa.
Sa pagkawala, mas maraming bagay na nakita si Jericho. Ang kabuluhan ng kanyang pamilya at ng kanyang anak. At ang pagpapahalaga sa mga taong sa panahong wala siya eh, patuloy pa rin siyang sinuportahan sa mas pinili niyang gawin.
Yes, he is fast recovering from heartache. Dahil sa trabaho niya raw ibinubuhos ang atensiyon niya.
One more thing na nilinaw ni Echo sa nagdaan niyang relasyon, na isa rin sa mga isyu na ibinato sa kanya eh, ‘yung paninigaw raw niya sa kanyang ex-girlfriend kapag nag-aaway sila.
NOT TRUE, na naman! Tumataas lang daw ang boses niya kapag hindi sila magkaintindihan. At parehong tumataas ang mga boses nila. Pero take note, walang pisikalan, ha?
Ang maganda pa sa sinabi ni Echo sa tanong sa kanya kung totoo rin daw bang hindi niya ipinaglaban ang ex niya sa mga magulang nito? Ano ba, HINDI NGA TOTOO. Kasi, ang sabi rin ni Echo, “Ipinaglaban ko siya sa buong mundo!”
At sa mga bumebengga sa aktor na laos na, flop ang TV show, at kung anu-ano pa, ano ba naman kayo? Alam naman natin na isa sa inihahanay na sa mahuhusay na aktor si Jericho. Kung titira, ‘yung tamang tira, walang bahid ng personalan.
ANO BA NAMAN itong nasagap ko? Diumano, nagsisisi na ngayon ang isang manager sa pagtanggap niya para i-manage ang isang talent. Ngayon daw kasi, lumalabas na ang tunay na ugali ng talent lalo na pagdating sa attitude at dapat na maging tamang asal.
Akala raw kasi ng manager, tuluyan nang napagbago ng dinaanang management ang nasabing talent. Hindi naman daw pala. Sa simula lang pala.
Nagsisisi man ang nasabing manager, kailangan na lang daw nitong i-fulfill ang kanyang obligasyon ngayon sa naturang talent. May palabra de honor kasi ang nasabing manager.
Kung hanggang saan niya matitiis ang nakikita niyang hindi talaga kagandahang ugali ng kanyang alaga eh, panahon na lang ang makapagsasabi. Pero sa tipo ng manager, mukhang hindi rin naman siya kakayaning banggain ng kanyang alaga. Pader na siya, ‘no!
RUTCHIL CUARTERO ANG pangalan ng cashier sa Caltex Connecticut (Grrenhills) na sumabotahe sa credit card ng host ng Gobingo! na si Arnell Ignacio at malayang ginamit ang nasabing card. Ipinahuli na ito ni Arnell sa mga kinauukulan. At inamin naman nito ang kanyang pagkakasala. Kaya babala ito sa mga gumagamit ng kanilang mga credit cards, may paraan na pala ngayon para ang inyong mga ‘plastics’ eh, makopya at magamit sa ilang mga establishment, ha? Dahil may mga tao’ng gumagawa nito na ikinasisira rin ng nasabing mga establishment.
PHOTO: JERICHO ROSALES