Page Title
Kataka-Takot: Ang Aghoy
Tinipon ni Jean Oli
September 5, 2008

Ayon sa mga Waray, mapuputi at magagandang nilalang na mukhang dalawampung taong-gulang na lalaki o babae ang mga aghoy. Nakapaa lamang sila at nakadamit na katulad ng mga katutubo dahil naninirahan sila sa kagubatan o malayong lugar at bukirin. Pumupunta lamang sila sa baryo tuwing sumasapit ang gabi.


Sa ganitong oras, nagiging mapaglaro sila at iniiba nila ang posisyon ng mga taong natutulog at sinisipulan din ang kanilang mga mortal na kaibigan. Mababait sila sa mga taong mababait sa kanila. Kapag bumibisita ang mga Aghoy sa isang tao, kumakain sila ng pagkain, kumakatok sa kanilang pinto at nagbibigay sila ng mga halamang-gamot at langis na nagpapagaling ng sakit. Pero kahit na ginagawa nila ang mga bagay na ito, hindi pa rin sila nakikitira sa mga mortal. Nakikita at naririnig sila ng mga taong kanilang kinakaibigan. Tinutulungan nila ang iba kapag may nawawala silang mga bagay. Sinasabi ng mga Waray na ang sinumang tumatanggap ng anumang pabuya sa mga Aghoy ay nag-iimbita ng malaking panganib sa kanilang buhay. Dahil dito, pinag-iingat ang mga tao na tumanggap ng tulong sa kanila kahit na ito ay gamot.

 

previous article