Page Title
Maja Salvador does the fitting
Parazzi News Service
September 5, 2008

 

More photos after the article.

 

 

Isa si Maja Salvador sa versatile actresses ngayon sa industriya. At a very young age, napatunayan niya na may lugar siya sa mundong ginagalawan ng kanyang angkan – ang mga Salvador. Sa kagustuhan na mahanap ang kanyang ama, nadiskubre siya ng ABS-CBN president na si Ms. Charo Santos-Concio. Nakilala siya bilang Dance Princess, pero ipinakita ni Maja na hindi lang pagsasayaw ang kaya niyang gawin. Nakipagsabayan siya sa husay ng Star for all Seasons na si Gov. Vilma Santos-Recto sa isang episode ng longest running drama anthology na Maalaala Mo Kaya. Hindi rin siya nagpatalo sa pag-arte nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz  sa box-office movie na One More Chance. Kahit support lang ang kanyang role, damang-dama naman ang bawat emosyon niya na talagang tumatak sa mga manonood. At ngayon, mukhang ang Dance Princess, ihahanay na sa pagiging isang Drama Princess. Nakatakda ngang gawin ni Maja ang teleseryeng siya mismo ang bida at katambal si Geoff Eigenmann, ang Moonriver. Paborito ring kunin bilang endorser itong si Maja ng iba’t ibang produkto at patunay lamang ang kabi-kabila niyang commercials sa telebisyon at naglalakihang billboards sa EDSA. Kahit pa maraming pagsubok at intriga ang kanyang pinagdaanan, nananatiling matatag si Maja kaya hanggang ngayon, patuloy pa ring makinang ang kanyang bituin.


previous article