Look who's laughing now?
Kelly Assistin
September 5, 2008
Ms. Kelly, ano’ng masasabi mo sa mga taong 5-7 years ago, hinusgahan ang trabaho ng isang call center agent as hindi stable. Nakakatawa hindi ba? Ngayon may mga sarili pa ngang buildings ang mga kumpanya ng call centers at nag-expand pa sa Cebu, Alabang, Davao, Lipa at sa mas malalayong probinsya pa.
‘Anlaki na ng sweldo ng tenured agents sa pagtitiyaga sa trabahong ilang taon lang ang nakakaraan, weird at unconventional sa marami. Dati promdi lang ako, ngayon yuppie na. Say mo?
More power sa Parazzi ha. Favorite ka namin dito sa Binangonan.
Jeh-anne - isang call center agent
Asteg. Beri-beri cool ang e-mail mo. Sa totoo lang, ganyan din ang pakiramdam ko ngayon. Siyempre tayong nagpakatatag at nanatiling matiyaga sa industriyang ingglisero na ito ang nagre-reap ng benefits ngayon.
Sa tagal ng panahon, nakapagpundar ka na rin malamang ng mga gamit, gadgets at nakatulong sa pamilya. Napakaraming katrabaho ko kasi ang ganun din. May lupa na rin kaming napundar, nag-iipon na ng pampakasal at naka-graduate at ngayon, nagre-review na ang kapatid ko para maging ganap na nurse.
At gaya ng palagi kong sinasabi, as long as the work puts food on the table then, it’s my career! All these years nga, sa sobrang food, hindi na ako pumayat. Grrrrrrr...
Pero asteg ang e-mail mo. I definitely agree.
P.S. Hello sa spot producer ng iFM na si Byron, nagpakilalang reader ng Graveyard Shift. Salamat po.
KELLY