Sinampal ng isang lady audience ang puwet ni Rafael Rosell!
Written by Archie de Calma
September 5, 2008
SINAMPAL NANG UBOD-LAKAS ng isang lady spectator na nanggigil sa bilugang puwet ni Rafael Rosell ang makinis na behind ng nabanggit na actor-model nang magtanghal sila sa Grand Theater ng Los Angeles kaugnay ng nakaraang U.S. tour ng Coverboys.
Nagulat si Raf sa pangyayari at hindi niya alam kung paano agad magre-react. Kahit naramdaman niya ang sakit, hindi siya nagalit at naging more professional na hinila ang babae sa stage at doon, ipinagpatuloy niya ang "Smack That" number niya kasama ang pangahas na babae.
Naisip lang ni Raf na labis na pagkatuwa sa kanya ang nagtaboy sa babae para gawin 'yun. Kaso, pagkatapos ng number, akmang titirahin na naman siya sa puwet ng babae kaya kumaripas na ng takbo ang actor-model papuntang backstage.
Isa lang 'yan sa mga nakatutuwang kuwento ni Raf sa recent tour ng Coverboys, na ayon sa kanya, malamang na magkaroon ng second leg sa iba pang parte ng U.S. na hindi nila napuntahan bago matapos ang taon.
Mukhang malayo na ang narating ng Coverboys, huh! Sa tour na 'yun, nakasama ni Raf sina Jake Cuenca, Victor Basa, Zanjoe Marudo at Jon Avila.
Mahigit dalawang linggong nawala sa local scene si Raf at sa pagbabalik niya, isinalang agad siya sa taping ng dalawang soap opera, ang Humiling Ka Lang sa Langit kasama sina Judy Ann Santos at Derek Ramsay, at ang Moon River na tampok sina Maja Salvador at Jodi Sta. Maria-Lacson.
NAGKAKANDARAPA NA SI Niña Jose sa pagpapayat. Sa isang out of town show, hiyang-hiya ang isa sa tampok sa My Girl nang sa harapan mismo ng mommy ni Kim Chiu ay nadapa siya.
Sinabi ni Niña na kinakarir niya ang pagpapayat. Dati ay tumitimbang siya ng mahigit sa 120 lbs. Ngayon ay naglalaro na lang siya sa 110 lbs na bumagay sa height niyang 5'8".
Nang interbyuhin nga namin si Niña sa Annabel's Morato, iniwasan pa niyang kumain nang mabigat at nag-salad lang dahil sa may beach scenes daw silang kukunan sa Boracay the next day para sa taping naman ng bagong teleseryeng papalit sa My Girl, ang My Only Hope.
Binibiro si Niña na hindi na raw niya kamukha si Katya Santos. Noon daw kasi, sa pagkabilog niya, kinakantiyawan siyang parang si Katya sa katabaan, na hindi naman daw ikina-offend ng young actress.
And mind you, kilala ni Niña si Katya, at sinabi pa niyang, "She's a Viva Hot Babe, right?" Sabi niya, maganda naman daw si Katya kahit nakakantiyawan na medyo chubby, and out of respect, hindi raw tinitingnan ni Nina as something deregatory sa kanya ang remark na 'yun ng matataray na movie scribes.
MAGTATAMBAL SINA ALESSANDRA de Rossi at John Lloyd Cruz sa isang future episode ng Maalaala Mo Kaya?. Masayang ibinalita ito ng manager ng aktres na si Manny Valera.
"Hats off ako kay Deo Endrinal," sabi pa ni Manny V. "Na-mention lang niya na ige-guest nila si Alex sa MMK, pero hindi ko akalaing papel ng misis ni John Lloyd ang ibibigay sa kanya."
Malaki ang role na ibinigay kay Alex na kailan lang ay nag-taping para sa nabanggit na episode na dinirek ni Jeffrey Jeturian. In fact, ang role ni Alex ay 'yung sa letter-sender mismo.
Maganda ang trato ng ABS-CBN sa mga artistang lumilipat sa kanila mula sa GMA-7. Nang tanggapin ni Alex ang pagkokontrabida kay Bea Alonzo sa I Love Betty La Fea, hindi nangangahulugan 'yun na pakikinabangan lang ng ABS-CBN ang husay ni Alex sa pagkokontrabida.
Maraming pagpupuwestuhan kay Alex sa Dos at hindi lang daw kontrabida ang ibibigay na papel sa kanya sa mga show o teleserye.
Well, tingnan na lang natin kung magiging consistent na ganito ang atensiyong ibinibigay kay Alex ng ABS ngayong isa na siyang Kapamilya.
PHOTO: RAFAEL ROSELL