Page Title
Bora Spa
Erick Padilla
September 5, 2008


Sawa ka na bas a paglalamyerda o kaya naman sa pagpa-party party sa Boracay? Puwes, panahon na siguro para ang katawan mo naman ang mabigyan ng kasiyahan habang nagbabkasyon kayo dito sa paraisong isla ng Bora. Wala kayong ibang pupuntahan kundi ang nag-iisang spa authority dito, ang Bora Spa, na matatagpuan sa Station 3.


Iba’t ibang klase at estilo ng treatment at pamparelax ang ginagawa nila dito, na talaga namang magugustuhan ninyo, lalo na ng kababaihan.  Meron silang tinatawag na Guimaras Honey Treatment na sobrang sarap sa pakiramdam habang ikaw ay nakabalot sa pulot pukyutan. Nandiyan din ang Papya-Mango Massage na ani mo’y para kang fruit salad sa ginahwang mararamdaman mo habang ginagawa ito sa ‘yo. Siyempre hindi rin mawawala ang traditional massages gaya ng Shiatsu, Thai, Swedish, at Traditional Filipino Hilot.


Hindi kamahalan ang presyo ng kanilang spa kaya abot-kaya ito ng mga lokal na turista. Maaari kayong magsadya sa kanilang spa, o tumawag sa 288-5592/288-5579, o mag-e-mail sa boraspa_08@yahoo.com. Kapag pumunta kayo ay sasalubungin kayo ng kanilng naggagandahang receptionists at ng kanilang manager na si Bambi, na handang humarap at ibigay sa inyo ang pampaganda at pamparelax na kailangan ninyo.


Kaya naman kung kayo ay nasa Bora, don’t forget to try Bora Spa and have a good, nice, and refreshing relaxation

 

previous article