Page Title
Kuntento na si Chairman Edu sa kanyang ‘wonderful woman’ na si Pinky Webb!
Written by Julie Bonifacio
September 5, 2008

MAGSE-CELEBRATE NG KANYANG 53rd birthday si OMB Chairman at host ng Pilipinas, Game Ka Na Ba? na si Edu Manzano on September 14. Dahil dito, magkakaroon ng week-long celebration sa PGKNB? kung saan malaking sorpresa raw ang inihanda ng programa para kay Chairman Edu kasabay ng paglulunsad ng bago niyang album mula sa Universal Records.


Wala na raw siyang birthday wish dahil halos lahat ay nasa sa kanya na gaya ng kanyang mga anak at ng ‘woman’ sa kanyang buhay na ayaw niyang pangalanan.


“I have a wonderful woman who takes good care of me and alam naman ng lahat ‘yan, e. Nandun lang ako sa bandang likuran na I’m trying to just have, let’s say, enjoy what’s left in my life. Just to make sure that my children are always being taken care of,” lahad ni Edu.
Of course, si Pinky Webb ang tinutukoy ni Chairman Edu ‘no. At kwento niya, kasundo raw ng kanyang mga anak si Pinky dahil she possesses ang mga katangiang katanggap-tanggap sa kanyang mga anak at may sense of humor.


Bukod kay Luis wala raw plano si Chairman Edu na payagan ang iba pa niyang mga anak na pasukin ang showbiz.


“Si Luis kahit ang daming pumintas sa akin noon at sinabing nagpaka-swapang ako dahil hindi ko ini-expose ang mga bata, it was my prerogative bilang isang ama na ang aking opinyon, importante muna ang isang tamang edukasyon, nang sa ganu’n kung hindi maging matagumpay sa pelikula o sa pagkanta o sa ibang larangan, meron silang mapupuntahan. And that’s the foundation provided by a good education. So, all my children, that would be the same,” very firm na pahayag ni Chairman Edu.


Samantala, kinumpirma rin niya na may nag-alok sa kanya to run as Senator sa 2010 election. Tanggapin kaya ni Chairman Edu ang alok?


“It’s always a consideration. But we have to make sure that all the factors are present. I mean, you just don’t run for the sake of running. You have to be there because you actually have to do something, you know. Hindi porke fashionable, dahil magandang tingnan na meron kang ‘SEN’ before your name. Ang pangit naman ‘yung tatakbo ko tapos wala ka’ng gagawin kundi nakaupo ka lang d’yan and enjoy the fruits of your office. You have to be there to work,” diin pa ni Edu.



NI-LAUNCH NA NU’NG Martes ang 20 new members ng ABS-CBN Star Magic Batch 16. Una naming nainterbyu out of 20 ang model-host na si Erika Padilla. Hindi raw niya knows kung relative niya ang aktor na si Robin Padilla pero magkagayunman, malayung-malayo na raw.
Graduate siya ng Political Science sa Ateneo de Manila at lumabas na sa Breakfast at Wazz Up, Wazz Up. Isa rin siya sa ten top models  ng Metro magazine at napili bilang Ms. Photogenic sa 2008 Miss Bikini Philippines kung saan kasabay niya na naging contestant ang natsi-tsimis na girlfriend ni Willie Revillame na si Nadine Ignacio.


“She’s number 19, no. 18 naman ako. Magkakasama po kami na nag-guest noon sa Wowowee at doon po ako nakita ni Mr. M (Johnny Manahan),” lahad ni Erika na ang tatay ay ang Regional Director ng Region 4 Calabarzon na si General Ricard Ilagan Padilla.


Tinanong namin si  Erika kung napansin din ba siya ng Wowowee host. “Hindi , e, kasi baka po ‘yung pattern niya na gusto niya sa babae mapuputi. Morena po ako tsaka laging sinasabi ng mga friends ko, strong ang personality ko.”


Si Edu Manzano raw ang crush niya. Pero may boyfriend si Erika for two years. At siya si Anton dela Paz na kabilang sa first batch ng Starstruck.

PHOTO: EDU MANZANO/ PINKY WEBB (UKG)

 

previous article