F.Y. Ay!: Ang –ber at ang rayuma
Parazzi News Service
September 5, 2008
Mga -ber months na, pasko na, pagkatapos New Year na. Setyembre na naman, at alam na natin kung ano ang ibig sabihin nito. Simula na ng pinakamahabang Christmas season sa buong mundo. Simula na rin ito ng mga araw na puno ng reklamo sa katawan lalo na ang matatanda. Malamig na kasi ang panahon.
Ang pinakasikat sa mga sakit tuwing sasapit ang Christmas season ay ang arthritis o mas kilala sa tawag na rayuma. Pero bakit nga ba mas laganap ang ganitong karamdaman tuwing malamig ang panahon?
Ayon sa mga eksperto, isang dahilan kung bakit mas madalas ang rayuma tuwing ber months ay ang pagbaba ng barometric pressure sa mga kasukasuan. Ibig sabihin nito, mas bumibilis ang wear and tear na nagyayari sa mga bahagi ng balikat, siko, kamay at tuhod.
Ang solusyon, mag-exercise para mapagtibay ang resistensya ng katawan, ‘di ba?