Page Title
Hindi raw totoong mas pinapaboran ng Siyete si Dingdong kaysa Richard!
Written by Nitz Miralles
September 1, 2008

BY NOW, TIYAK na may sagot na si Annabelle Rama sa mga ipinahayag ni Ms. Wilma Galvante sa presscon last week. Hindi pa nagkikita ang dalawa mula nang magka-isyu sila, pero naniniwala ang GMA executive na naintindihan na ni Annabelle na hindi sinadya ng network na tapatan ng birthday special nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang opening ng For The First Time nina Richard Gutierrez at KC Concepcion.


Nilinaw ni Ms. Wilma na hindi siya nakipag-away at naintindihan niya ang bugso ng damdamin ni Annabelle. Nag-congratulate rin siya sa box-office success ng movie ng Star Cinema at masaya rin ang Ch. 7 sa resulta ng birthday special.


Hindi sinagot ni Ms. Wilma kung papayag ang Ch. 7 na mawala sa kanila si Richard, basta mahal daw nila ang actor at inaalagaan. Hanggang 2010 pa ang kontrata nito sa kanila, pero dahil sa confidentiality clause, ayaw niyang pag-usapan.


Sa isyung ang feeling ni Annabelle mas pinapaboran ng network si Dingdong over Richard, lalo na sa S.O.P., sabi ni Ms. Wilma, wala na sa show si Dingdong at gaya ni Richard, lumalabas lang ‘pag nagpo-promote at kung may special occasion.
Ang ikinatutuwa lang ng network, nasa kanila sina Richard at Dingdong, dalawa sa biggest talents today.


 “Hindi lang kami masaya, we’re also proud na nasa amin ang pinakamagaling na talents. Pare-pareho ang pag-aalaga namin sa kanila,” sabi ni Ms. Wilma.

 

 

LAST TAPING DAY this Monday ng Ako Si Kim Sam Soon, pero hanggang first week of October pa ang airing ng Pinoy adaptation ng Koreanovela. Sa lakas ng impact ni Mark Anthony Fernandez sa Araneta Coliseum sa birthday special nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, tiyak na hindi siya mababakante nang matagal.


Tuwang-tuwa ang GMA-7 executives sa actor lalo na nang game na makipag-sayaw sa dancers noong patapos na ang show. Idagdag pang magaling siyang actor, kaya tiyak na may kasunod na siyang project.


Ang aabangan namin ay kung pakikingan ng network ang nabanggit ni Regine na kung bibigyan siya ng another series, gusto niya ng Pinoy adaptation ng Coffee Prince dahil aliw na aliw siya kay Andie (bidang babae).


Hindi rin naman siya mami-miss ng kanyang fans dahil may S.O.P. at Celebrity Duets siya na kasisimula pa lang at maganda agad ang ratings.

 

 

SOMETIME IN SEPTEMBER pa raw ang launching nina Piolo Pascual at Dingdong Dantes bilang endorser ng Pond’s, kaya matagal pa bago sila makitang magkasama sa isang presscon. Ang Kapuso actor pa lang ang nakausap namin tungkol sa pagsasama nila ni Piolo at nagpahayag ito ng tuwa.


Mabait daw si Piolo at very humble pa, kahit big star na ito. Walang naging problema sa shoot ng TVC nila’t madali silang nagkasundo. “Idol” ang tawag ni Dingdong na natutuwang may bago siyang kaibigan sa ABS-CBN.


Kapag na-interview namin si Piolo, siya naman ang hihingan natin ng comment tungkol kay Dingdong at tiyak, positive rin ang maririnig sa kanya.


Posible kayang pagsamahin sa pelikula sina Piolo at Dingdong? Co-produced ng Star Cinema at GMA Films at si Direk Joyce Bernal ang kuning director na common friend ng dalawang actors. Saka na problemahin ang promo, ‘no!

 

PHOTO: REGINE VELASQUEZ

 

 

previous article