Marian Rivera, Bigay-hilig!
Parazzi News Service
August 29, 2008
Kapanta-pantasya si Marian Rivera sa mga litratong ito na nakuhanan ng ating Parazzi photog sa katatapos na Let’s Celebrate: Dingdong & Marian Dance Concert sa Araneta Coliseum. Dinagsa nga ng mga fans ang The Big Dome sa birthday gift na ito sa kanila nina Dingdong Dantes at Marian. Hindi naman sila nabigo, dahil walang tigil na production numbers mula sa dalawang big stars ng GMA-7, at sa mga guest na Kapuso stars, ang napanood nila at nagbigay sa kanila ng hindi malilimutang selebrasyon!
Hindi nga nagpapigil ang kauna-unahang Dyesebel sa telebisyon sa pagpapamalas ng kanyang angking galing sa pagsayaw, at bigay-hilig ito sa paggiling at pag-indak. Hindi na mahalaga sa kanya kung bawat galaw ng kanyang balakang o bawat pihit ng kanyang mga paa, eh masisilip at masisilip ang kanyang underwear. Ang tanging hangad lang niya ng gabing iyon, ang makapagdulot ng walang kapantay na kasiyahan sa mga tagahanga.
Kaya naman, lalong lumutang ang kagandahan at kaseksihan ng no. 1 sa FHM 100 Sexiest Women! Sorry na lang sa mga hindi nakapunta sa dance-concert ng biggest Kapuso love team. Magkasya na lang kayo sa mga litratong ito. ‘Wag lang pakatitigan nang husto, baka mabasa’t matunaw! Hehehe!
Photos by PARAZZI REPUBLIC