Page Title
Kapit-tuko para sa puwesto
Parazzi News Service
August 27, 2008

 

Ooppsss…. Hindi siya tuko, pero talo pa niya ang tuko sa sobrang higpit na kanyang kapit sa kanyang seat of power at sa political bloc na pwede niyang magamit para manatili siya sa kanyang pwesto.


Ayon kasi sa aking tsismis radar, isa raw Kongresista, na itago na lang natin sa pangalang Mr. Solon Kapit-tuko, ang pikit-matang nilunok ang kanyang integridad at prinsipyo kapalit ng kanyang pananatili sa pwesto.


Aba naman kasi, ito palang si Mr. Solon Kapit-tuko, eh, nanalo sa congressional election sa kanilang lugar sa tulong ng isang political bloc. Ayaw kasi ng huli na manalo ang manok ng kalaban doon kaya naman tinulungan nila ang naturang dear Legislator of the Land na manalo.


Eh, ang siste, bago-bago pa lang nakakaupo sa pwesto si Mr. Solon Kapit-tuko, kinuwistiyon na agad ang pagkapanalo nito at nagsampa ng protesta ang kanyang kalaban. Dahil medyo malakas ang kapit ng kalaban at talaga namang sa tingin niya, eh, hindi papabor sa kanyang pagkapanalo ang stars, wala ng prinsi-prinsipyo ang laban ni Mr. Solon Kapit-tuko.


Kasi ba naman, kumapit na siya ng parang tuko lang sa grupong sa tingin niya’y magsasalba sa kanyang posisyon kahit pa kalaban ito ng tumulong sa kanyang manalo nung nakaraang eleksyon.


Pero siyempre, hindi naman basta-basta mapapalampas ng mga tumulong sa kanya ang kanyang ginawa. Kaya ang tsika, huwag nang aasa ang naturang dear legislator of the land na tutulungan pa siya pagkatapos ng kanyang ginawa. At ang matindi, naghahanap na ang mga tumulong sa kanya ng manok na pwedeng-pwedeng ipambato at tumalo sa kanya.
Kaya naman ang nangyari, parang naka-glue na ang kamay ni Mr. Solon Kapit-tuko sa saya at laylayan ng pantalon ng grupong pinili niya para matiyak na sa susunod na eleksyon, hindi siya matatanggal sa pwesto.


Hay naku…Mr. Solon Kapit-tuko, sobrang gutom mo naman ‘ata sa kapangyarihan at pati prinsipyo mo, isinakripisyo mo kapalit ng iyong pwesto. Sabagay, ano nga ba naman ang mapapala mo sa prinsipyo? Unless, pwede ka nitong pakainin ng pork….

 

previous article