Kristine Hermosa, may sexy pictorial sa ex-bf?!
Written by Tita Swarding
August 27, 2008
OLA CHIKA! KAHIT sinong magulang susuportahan talaga ang kanilang mga anak. Gayundin ang Megastar na si Sharon Cuneta at ang ama ni KC Concepcion na si Gabby Concepcion, todo-suporta sa first movie ng anak, kahit sila ay magkahiwalay na, at masaya na sa kani-kaniyang pamilya.
Nand’yan nga ang kanilang suporta sa kanilang anak, kahit pa sabihing hindi pa ganap na natutuldukan ang hiwalayang Sharon-Gabby. Kaya nga’t inaabangan ng lahat, kung ito na nga ba ang araw na maghaharap ang dating mag-asawa?
Naibulong kasi sa inyong Tita Swarding na dadalo nga raw itong si Gabby sa premiere night ng For The First Time, at ganu’n din ang megastar, pupunta rin daw sa nasabing premiere night na gaganapin sa SM Megamall Cinema 9 & 10.
Naku, tiyak na aabangan ng lahat kung saan manonood ang dalawa. May nag-chika pa sa akin, na ‘pag nakita raw ni Sharon itong si Gabby, baka raw ito mag-walk-out, na siyang laging drama ng megastar,huh! Tanong pa ng aking ka-chika, ayaw ba raw na ni Shawie na mabigyan na ng tuldok ang kung ano man ang nangyari sa kanila noon? Tutal, happy naman daw ang dalawa sa kani-kaniyang pamilya ngayon? ‘Yun na!
ANO NAMAN ITONG tsismis na nagkaroon daw ng sexy pictorial ang dating nakarelasyon ni Diether Ocampo na si Kristine Hermosa? Huh! Ang nakakaloka, mismong si Diether ang kumuha sa mga larawan ni Kristine, para raw ito sa magazine ni Diether na siya mismo ang may-ari.
Kaya hindi maiwasan ang mga katanungan ng lahat kung ito ba ay gimik lang ni Kristine? Huh! At bakit kailangan na si Diether pa ang kumuha sa mga larawan niya na ubod raw umano ng kaseksihan? Ang isa pang tanong, bakit dun pa siya magpo-pose ng sexy sa mismong magazine ng ex-boyfriend? Huh! ‘Di ba, nakakaloka!
Ayon pa sa chika ng aking Parazzi Girl, very excited raw itong si Kristine para raw sa gagawin na poject with Jericho Rosales. Kung anu-ano na nga raw press release ang ipinamimigay nito, huh! Ngunit ang alam ko eh, marami pang naka-line-up na project kay Jericho, gaya nga nu’ng proyekto sa Malaysia na katambal ang isang Malaysian actress. Naku, maghintay si Kristine, ‘no?!
According sa aking Parazzi Girl, desperada na raw ba itong si Kristine sa kanyang career, kaya nagpakuha raw ng mga seksing larawan? Dahil sa totoo nga raw, hindi na ito pinag-uusapan, huh! Naku, ano kaya ang masasabi ng anak ni Bossing Vic na si Oyo Boy Sotto, huh?! ‘Yun na!
Email: tita_s2006@yahoo.com