Page Title
Shop and stop!
Kokit Blancaflor
August 27, 2008

Shopping galore! Isa ‘yan malamang sa paboritong gawin ng mga artista, lalo na at may kailangan silang bilin at may time silang magshopping. Pero hindi rin siguro ganun kadali sa kanila, lalo na sa mga talagang sikat nang celebrities ang basta pumunta sa malls dahil baka nga naman dumugin sila ng mga tao roon. Kaya nga siguro ay mas malaki ang chance na maka-spot ka ng star sa mga mas sosyal na shopping mall, na masasabi mong hindi pang-masa ang dating. Gaya na nga lang ng beauty queen turned actress na si Riza Santos, na natiyempuhan ng Parazzi photog, habang nagsa-shopping (alone?) sa isang medyo class na mall sa may Ortigas. Hmm, mag-isa nga lang kaya o may hinihintay at may ka-date later?

PARAZZI WIRES PHOTOS

 

previous article