Page Title
Turban Country
Parazzi News Service
August 27, 2008

Kung may fashion statement ang mga girls, aba hindi naman papatalo ang mga boys pagdating diyan. Kung ang mga girls maraming abubot sa katawan, siyempre ang mga boys meron din. Oo nga’t kuntento na sila sa faded denims na tinernuhan ng simpleng t-shirt at siyempre cool rubber shoes. Pero siyempre, iba pa rin ang dating kung may konting spice ang kanilang outfit. Kaya nga nauso na rin ang iba’t ibang abubot para sa mga lalake gaya ng mga sumbrero at belt bags. At ang in na in ngayon sa men’s fashion ay walang iba kundi…*drum rolls* turban! Yes korek! Turban nga ang tawag sa telang ibinabalot ng mga kalalakihan sa kanilang leeg. Akala n’yo mga Bombay lang ang may K gumamit ng turban, huh! Opkors not! Kaya kung tayong mga girls may tinatawag na shawl, ang ating mga boys naman, may turban. O ‘di ba quits lang pagdating sa fashion.

 

previous article