Maestro talks with the Queen of Intrigues: Manay Lolit
Master Orobia
August 27, 2008
Grabeeeh! Nagmamadali ako para makarating sa interview ko kay Manay Lolit sa Channel 7. Nang nakasakay na kami ng MRT, “Hoy! Pssst! Baba ka diyan. Lumipat ka, mga babae lang diyan.” Hehehe, itong si manong guard, eh, galing na ako sa kabilang station pabababain pa.
Si Manay, isang beteranang manunulat na dating fashion at police reporter na noo’y kasama sa Daily Star ni Ruther Batuigas. Ngayon, isa na siya sa mga kinikilalang kolumnista ng mga balita tungkol sa artista. Isa rin siyang taklesa at mataray na manager ng mga talents sa TV at pelikula. Taong 1968 pa nagsusulat ang Reyna ng Intriga. Sa aking paningin isa ng haligi ng pelikula si Manay Lolit samantalang sa larangan ng pagbabalita, isa na siya sa mga iginagalang.
Pero may sincerity sa likod noon. Kaya niyang ipaglaban kahit mali o tama man ang kanyang talent katulad ng case ni balikbayan Gabby Concepcion sa scam na kanyang kinasasangkutan, na mahaba-haba ring taong pinagpiyestahan ng mga showbiz reporter at mga diyaryo. Sikat si Manay noon ha!
Mula dressing room, nag-aalok ng pagkain ang manay na parang PA ang labas hehehe! Pero sa likod ng katarayan, maalalahanin naman pala ito.
Nang tinanong ko nga si Butch Francisco, “Ah…iyan si Nanay Lolit, masasabi ko ang maganda diyan, parang kumunista, hahahaha. Mahilig mamigay ng pagkain kahit hindi sa kanya. Kaya pati ako naaambunan, nabubusog.” Nang tinanong kung ano ang paningin nila kay Manay Lolit, eto naman ang sabi, “Alam mo naman parang baliw- baliw ‘yan, kaya lang in the end, mahal namin ‘yan, parang nanay namin siya.”
At nasaksihan ko mismo ito dahil kahit nga noong burol ni “Daboy” RUDY FERNANDEZ, nagkataong ‘andun ako ha, pagkakita sa akin, bumati agad. At habang minamasdan ko ang mga artistang dumarating, isa siya sa napapansin kong maasikaso. ‘Yan si Manay Lolit, ang mapagmahal at taklesang Reyna ng Intriga.
May dalawa siyang anak na ngayo’y sa Amerika na nakatira at kapiling ang kani-kanilang pamilya. Nasa Washington ang isa, at sa New York naman ang isa. Paborito niyang pagkain ang hopia.
At kwidaw ah… 98 lang naman ang mga doggie dogs niya na sabi sa akin, mga maliliit na lahi tulad ng Mini Pinscher at Pomeranian. At take note, tatlong tagapag-alaga ang nakatoka. Ano ha? Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
For any comments or suggestions, e-mail us at maestrorobiaparazzi@yahoo.com or
next article |