Page Title
Actress-politician, may bagong inirarampang bagets lover!
Written by Ambet Nabus
August 27, 2008

HABANG SINUSULAT NAMIN ito, wala pa ring linaw sa aming pakikipag-ugnayan sa pamilya nina Albert at Liezl Martinez.


Isang kaibigan kasi ang nagbalita sa amin last weekend na kasalukuyan nga raw na nasa isang kilalang ospital ang mabait na maybahay ng de-kalibreng aktor dahil sa isang karamdaman.


May mga haka-hakang umiikot na 'breast cancer' diumano ang nasabing karamdaman ng dating child star na anak nina Amalia Fuentes at Romeo Vasquez, subalit wala pa pong malinaw na pahayag na nalilimbag o nasasabi tungkol dito ang alinmang panig.


Basta may nagbalita lang po rito sa Parazzi at sinubukan nga po naming makipag-ugnayan hinggil sa bagay na ito. Gayunpaman, and if ever may katotohanan ang medyo malungkot na item na ito, we would like to offer prayers for them dahil hindi birong krisis ang ganitong health issues.

 

 

FIRST DAY NGAYON ng showing ng For The First Time. Tiyak namin, pinipilahan na ito sa mga sinehan at dahil mas marami ang naging aware at na-curious lalo na nang magtapatan ang mga nanay nina KC Concepcion at Richard Gutierrez ng kanilang paghanga sa mga ito, tiyak na 'blockbuster' ang movie.


Tila wala namang problema kina Tita Annabelle Rama at Sharon Cuneta, if ever mang maging magkasintahan o mag-asawa pa sina KC at Richard. Tanggap na tanggap nila ito though mas pabor sila na gawing prayoridad at unahin ng dalawa ang pagiging masikap, hardworking at responsable sa trabaho.

 

 

NGAYONG ARAW DIN ang dance-concert nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Kung full support man ang halos lahat ng Kapamilya stars sa movie nina KC at Richard, todo rin ang suporta ng mga Kapuso stars sa naturang dance event ng dalawa.


Aminin man o hindi, may effort talaga na pagsabungin ang mga naturang sikat na young stars at gaya ng sinasabi nina Shawie at Tita A, "pasasaan ba't malalaman din naman ng mga tao kung sino at alin talaga ang maiiwanang matibay," or words to that effect.


But in fairness kina Marian at Dingdong, nangako naman ang mga ito na susuportahan nila ang For the First Time sa pamamagitan nga panonood dito. Kung kelan ‘yun at dahil kapwa sila busy, hindi na namin planong alamin, hahaha!

 

 

SI ACTRESS-POLITICIAN, may bagong inirarampang bagets na lover. Sa isang out-of-town live-in seminar kung saan supposedly, tanging public servants lamang ang dapat dadalo, biglang karay-karay ni actress-politician ang kanyang sinasabing bagets na lover. Ito nga ang kasama niya sa kanyang inupahang quarter (take note, hindi siya naki-join sa provided na cottage).


Ni hindi nga raw makapag-focus sa kanyang seminar at group sessions itong si actres-politician dahil nangangamba itong baka madagit ng kung sino ang bagets niyang kasama. Nagtataka lang ang maraming delegates kung bakit isinama pa ito ni actress-politician kung ganun din lang pala ang iisipin nito?


Can you guess why? Sayang, wala ang Parazzi dun sa malamig na lugar na ‘yun kung saan ginanap ang naturang seminar. May human blanket nga namang baon si actress-politician na gusto niya'y kanya lang exclusively!

 

PHOTO: MARIAN/ DINGDONG

previous article