Page Title
Fans nina Mark Herras at Rhian Ramos, nag-aaway sa internet!
Written by Nitz Miralles
August 27, 2008

MAY NET WAR ang fans nina Mark Herras at Rhian Ramos. Kung anu-anong akusasyon ang ibinabato nila sa bawat isa mula nang magtambal ang dalawa sa afternoon soap na My Only Love. Umabot na sa puntong hina-harass ang actor ng fans ng young actress and vice-versa.
Nang mabalitang posibleng makasama si Mark sa cast ng La Lola, nag-ingay ang fans ni Rhian at kulang na lang, mag-piket sa harap ng GMA Network para i-apelang ‘wag nang isama ang actor. Natuwa ang mga ito nang tuluyang alisin sa cast si Mark.


Pero, hindi du’n natatapos ang isyu between the Mark and Rhian fans, dahil may banta ang fans ng young actress na ibu-boo si Mark sa premiere night ng I.T.A.L.Y.. Magdala raw ng payong ang actor at hindi lang boo ang ibabato nila rito’t kung anu-ano pang bagay.


Kinol ng fans ni Mark ang banta ng fans ni Rhian, babalikan din nila ng boo ang young actress at dodoblehin nila ang lakas nang boo na ibibigay nila rito. Kung ano ang ibabato ng fans ni Rhian kay Mark, kanilang ibabalik.


Ipinaalam na namin sa mga taga-GMA Films ang banta ng bawat kampo kina Mark at Rhian at baka sa halip na mag-enjoy, magkagulo sa premiere night dahil lang sa kanila. Isipin sana ng fans ng dalawa, na hindi lang sina Mark at Rhian ang bida ng pelikula at may fans din sina Jolina Magdangal, Rufa Mae Quinto, Eugene Domingo at Dennis Trillo.


Sa September 17 na ang showing ng pelikula at darating today, August 27, si Andrea de Lugo, ang Italian actress na kapareha ni Dennis para mag-dub at tumulong sa promo ng movie sa direksyon ni Mark Reyes.

 

 

LAST GUESTING NA ni Alessandra de Rossi sa GMA-7 ang Tok! Tok! Tok! Isang Milyong Pasok! noong Sunday, August 24. Sa mga susunod na labas niya sa telebisyon, sa ABS-CBN na siya mapapanood, dahil bumalik siya sa Kapamilya network at unang mapapanood sa Betty La Fea in a very special role.


Bukod sa Betty La Fea, gagawa rin ng soap si Alex at kundi magbabago ang cast, dalawa sa makakasama niya’y sina Jake Cuenca at Angelica Panganiban. Natutuwa si Alex dahil hindi siya kontrabida, kundi isa sa mga bida ng wala pang title na soap.


Sa pag-alis ni Alex sa Ch. 7, hindi na rin natuloy ang paggawa niya ng TVC ng Clear shampoo dahil account ‘yun ng GMA Artist Center. Maghahanap na lang ang GMAAC nang ipapalit sa actress na endorser ng nasabing brand ng shampoo.


 
MAMAYANG GABI NA ang Let’s Celebrate! The Dingdong-Marian Birthday Blowout sa Araneta Coliseum at hindi lang ang dance showdown at solo dance number nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang mapapanood, maraming artista ang makakasama ng dalawa para aliwin ang fans na manonood.


Kabilang sa guests sina Regine Velasquez, Sunshine Dizon, Iza Calzado, Mark Anthony Fernandez, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Bianca King, Iwa Moto, Jay Durias, Jay-R, Dr. Hayden Kho, Jr., Tanya Garcia, Regine Tolentino at Ogie Alcasid.


Libre ang tiket, pero may no ticket, no entry policy kaya siguraduhing nakakuha kayo ng tiket sa GMA Network. Ang hindi makakapanood sa Big Dome, puwedeng manood sa primetime telecast ng birthday special sa Aug. 31, sa Sunday Nights Box-Office after Full Haus.

 

PHOTOS: MARK HERRAS/ RHIAN RAMOS

 

previous article