Page Title
William Howard Taft
Parazzi News Service
August 27, 2008

 

 

Kung taga-Maynila ka, malamang, sumakay ka na sa MRT, at siguro, nakababa ka na rin sa Taft Avenue Station, ang dulong station nito sa south. But wait a minute, kilala mo ba kung kanino ipinangalan ang Taft Avenue?


Siya ay walang iba kundi si William Howard Taft. Ipinadala siya ni President McKinley ng Amerika dito sa Pilipinas noong 1900 para maging Gobernador-Heneral. Wala siyang dugong Pinoy ngunit ganoon na lang ang naging malasakit niya sa bansa – nagpagawa ng mga daan at eskwelahan, pinaunlad ang ekonomiya ng bansa, at gumawa ng paraan para at least, makapasok sa gobyerno ang ilang Pilipino. Naging president siya ng Estados Unidos mula 1909 hanggang 1913, at US Chief Justice mula 1920s hanggang 1930.

 

previous article