Page Title
Kataka-Takot: Cain at Abal
Tinipon ni Jean Oli
August 27, 2008

 


Sumasamba ang mga Ilongot sa diyos na sina Cain at Abal, ang magkapatid na siyang lumikha sa lahat. Sila ay mababait na diyos at pinapangalagaan nila ang mga nilalang na nakatira sa ibabaw ng mundo. Sinasabing sila’y mga imortal at nakatira sa langit, na si Taon, minsan sa araw, na si Elag, at minsan naman sa buwan, si Dalan, kung minsan din sa bituin, si Pandac. Tinatawag na Binangunan o Cabuligian ang tagapagdala na kanilang mabuting balita. Naglalakbay ang dalawa sa pamamagitan ng Keat (kidlat) na sinusundan ng Kidu (kulog).


Noong unang panahon, magkasamang nakatira ang magkapatid sa langit; pero nag-away ang dalawa at naghiwalay sila ng landas. Si Abal na gustong tumira sa lupa ay nilikha ang mga taga-parang at pinaalaga sa kanila ang mga alaga niyang hayop tulad ng kalabaw, baka at tupa.


Si Cain naman ang lumikha sa mga taga-bundok, kasama na rito ang mga Ilongots. Tinuruan niya ito na mangaso at mamuhay sa kabundukan.


Nagdarasal ang mga Ilongots kina Cain at Abal, at inimbitahan pa nga ang dalawa sa tuwing may salu-salo sa kanilang bayan. Sa tuwing may pagtitipon, isang maliit na lamesa ang inihahanda sa tabi ng bahay. Mayroon itong pulang mantel at hinahainan ng karne at kanin, at isang baso ng basi (uri ng alak). Dadasalan ito ng kanilang mga pari habang sumisigaw ng “Tinulungan mo kami, Panginoon; saluhan ninyo kami at sana, matuwa kayo sa aming handa. Tulungan niyo po ulit kami sa susunod na anihan!”

 

previous article