Page Title
JEX-FILES (Unsolved Mysteries): Ang Halimaw ng Florence (Part 1)
Tinipon ni Jex Caraballa
August 27, 2008

 

 

Taong 1968, brutal na pinagbabaril sina Antonio Io Bianci at Barbara Locci sa loob ng isang sasakyan habang nagtatalik ang dalawa. Ang akala ng mga pulis, ang asawa ni Barbara na si Signor Locci ang may kagagawan sa pagpaslang ngunit nagkamali sila; simula pa lamang ito ng serye ng mga karumal-dumal na pagpatay sa mga mag-asawa at mag-syota sa Tuscany, simula pa lamang ito ng killing spree ng tinatawag na “Monster of Florence.”


Habang nasa bilangguan si Locci, isa na namang magkasintahan ang pinatay sa loob ng isang sasakyan. Napag-alaman ng mga awtoridad na ang ginamit na baril, isang .22-kalibre Berreta, na ginamit sa pagpatay kina Bianci at Locci, ay siya ring ginamit sa naturang krimen. At sa sumunod na dalawang taon, marami pang katao ang pinatay sa ganitong pamamaraan:  ang mga lalaki ay binabaril sa may driver’s window bago patayin ang babae, pagkatapos ay kakaladkarin ang katawan nito palabas ng sasakyan bago tatagain hanggang matanggal ang kaliwang suso nito at matanggal. Ayon sa ballistics test, nagmula lahat sa iisang baril at may markang ‘H’ang 67 na balang na-recover sa 16 na krimen.


Hindi naging maganda ang pagkakahawak ng Florence police sa kaso. ‘Di mabilang na bulilyaso ang naganap kabilang na ang pagkakakulong ng mga inosenteng sibilyan na walang kinalaman sa krimen. May isa pa ngang napagsuspetsahan ang nagpakamatay sa pamamagitan ng paglaslas ng kanyang lalamunan. May limang nahatulan at nakulong sa pagpatay, tatlo sa kanila ang pinalaya matapos magkaroon ng patayan habang sila ay nasa loob; ang ikaapat, pinakawalan dahil sa kakulangan ng ebidensya, samantalang ang ikalima, nananatiling sentro ng kontrobersiya.

(Itutuloy)


previous article