Page Title
Geneva Cruz does the posing!
Parazzi News Service
August 27, 2008

 

Nagsimula bilang miyembro ng isang Filipino singing group, na itinatag ng batikang musical director, composer at director na si Ryan Cayabyab, malayo-layo na rin ang narating ni Geneva Cruz simula ng mag-solo sa kanyang career para maging full-time artista at singer. Ngayon, hindi lang dalawang propesyon ang inaatupag niya. Kina-career din ni Geneva ang pagiging isang caring mother to her son Heaven (na anak nila ng dating asawang si Paco Arespacochaga) at loving wife sa kanyang present husband na si KC Montero. Pero siyempre, kapag isa kang celebrity dito sa Pilipinas, hinding-hindi ka makakatakas sa mga intriga at isyung ipinupukol sa iyo ng mga tao. Kamakailan lang, naging iskandalo umano ang pagtira ni Geneva sa bahay ng singer-host na si Jay-R. Hindi man ito naging big deal para sa singer-actress, marami pa rin ang nagtaas ng kilay ng inamin niya na nakikituloy nga siya sa bahay ng kaibigan. Kahit na alam ng asawa niyang si KC, kahit na may mga kasamang kaibigan si Geneva sa tinutuluyang bahay, hindi pa rin siya nakaligtas sa mga issuer at intregerang tao. Wala naman sigurong kaso kung dun siya nakikitira, unless na bibigyan ng malisya ang kagandahang-loob ni Jay-R, huh? ‘Un na!


Larawang-kuha ni Marvin Candaba

 

previous article