Binuksan ko ang inbox ko at parang himala, walang nag-email sa akin! Madami pa akong hindi nabubuksang e-mail. Mga notification sa HBO, awfulpasticsurgery.com at apospcaa (Alpha Phi Omega San Pablo City Alumni Association). Tinamad na akong magbasa kasi wala namang galing sa reader ng Parazzi. Sa opisina ko na bubuklatin ‘yung mga notification kasama ang mga spoof at scam emails ng kung sino mang malakas mag-trip sa Nigeria.
Maglalog-out na sana ako nang mapansin ko ang isang hindi ko pa pala nabubuksang e-mail, so in-open ko naman.
Pangalan ng isang babae. Cristina de Jesus. What is biblical name naman ‘di ba?! Blank page naman. Pero ‘yung page, eh, nai-scroll ko pa pababa. Ibig sabihin, may message sa ibaba. Banat naman ako ng paghila pababa ng pababa sa page.
Nahihiwagaan na ako. Effort naman at nung sinulat n’ya ang e-mail na ito, eh, pumindot ‘ata siya ng sangkatutak na "enter!" Nakaramdam na ako ng thrill at konting kaba. Para akong nakatanggap nung mga text messages na puro blangko din na kapag last pindot mo na, eh, may punchline ng isang joke sa dulo.
So keri lang, scroll pa ako pababa. Sa super liit na font may nakasulat na. "Tulungan mo ako, Kelly."
Hindi ako likas na matatakutin at hindi talaga ako nakakaramdam ng mga kung anu-anong espiritu kaya sinagot ko lang ang email n’ya. Hindi na siya nag-reply pa.
Hindi ako techie para ipa-trace pa siya. At sa napakaraming computer cafe sa Pilipinas, madaling gumawa ng dummy e-mail account kaya hindi worth the effort. Ang sa akin lang, kung mababasa mo ito Ms. Cristina de Jesus, sabihin mo sa akin kung papaano kita matutulungan.
Ngayon, kung multo ka man na parang concept lang ng mga Asian Horror Movies na gaya ng 'one missed call,' eh, try mo ulet. Baka matakot ako next week.
KELLY
sweetkelly_1925@yahoo.com
|