MARTHA MALDITA (part 8)
ni Sandi Lirio
August 27, 2008
Kung binibisita o hinahatid-sundo ni Mark si Karen, lagi n’yang natatagpuan sa bahay si Martha. Nakikipagkwentuhan sa kanila si Martha, nakikipagbiruan. Masarap kakwentuhan si Martha, naisip ni Mark. Sa katunayan, parang mas masarap pa itong kakwentuhan kesa kay Karen dahil may pagka-game si Martha sa mga usapang bastos.
‘Pag nakakakwentuhan n’ya ang dalawa, ‘di n’ya maiwasang pagkumparahin sila. Mukhang matimtimang birhen si Karen, maputi, mahaba ang tuwid na buhok na laging nakatali, mapungay man ang mga mata’y malamlam naman ang mga ito dahil parang laging inaantok dahil sa malalim na talukap. Ang katawan ni Karen ay pang-birhen din, bagama’t mukhang may kaliitan ang dibdib, tindig na tindig at bilugan naman ang mga ito. Maliit ang kanyang bewang nguni’t hindi pansinin ang balakang o ang puwit.
Si Martha nama’y ang tipo ng babaeng ‘pag nakita ng lalake’y iisipin agad ang pakikipagbuno sa kama. Sa sinumang lalakeng kumukulo pa ang laman dala ng libog, si Martha ang babaeng nanaising ihagis sa kama, sirain ang damit, at lapain ng buong magdamag. May pagka-mestiza rin si Martha, ngunit ‘di tulad ng ibang karaniwang mestizang nagmumukang putlain at mabait dahil sa puting balat, si Martha’y mamula-mula ang pisngi, mala-mansanas ang kutis na kay sarap kagatin. Matapang ang mga mata ni Martha, parang sa pusa, malantik ang mga pilik-mata at korteng almond. Maliit lamang ang mukha nito, matangos ang maliit na ilong, at makipot at patulis ang mapupulang labi. Ang katawan ni Martha’y siksik, bukod sa malalaking suso, matambok at paumbok ang puwit nito, at maliit ang bewang. Gustong-gusto ni Mark ang kurba ng balakang ni Martha, parang ang sarap kabigin.
Bagama’t natitiyak ni Mark na malalim-lalim na rin naman ang pagmamahal n’ya kay Karen dala ng pagiging mag-jowa nila simula pa nu’ng freshman sila, hindi mapigilan ni Mark na sa gabi, si Martha ang naiisip n’ya habang kinakaskas ang napipipit na n’yang unan sa kanyang tarugo. Si Martha rin ang naiisip n’ya kung naliligo s’ya’t pinipilit ang tarugo n’yang sumayaw-sayaw sa loob ng tabo. Si Martha na rin ang naiisip n’ya kung hinihimas-himas n’ya ang kanyang ari, hinihigpit-higpitan ang pagtaas-baba sa ilalim nito at iniiwasang tamaan ang ulo upang tumagal pa ang pagsapit ng pagbuhos ng glorya.
Tulad ng karaniwang lalakeng ‘di na inuunawa pa ang dahilan ng pagkaakit sa isang babae, hinayaan ni Mark ang sariling pagnasahan ang alindog ni Martha. Dahil nagawang gisingin ng sapak na katawan at kaakit-akit na mukha ni Martha ang noo’y nananamlay at nagtitiis na kalibugan ni Mark, lalong naging malinaw kay Mark ang pagiging walang kwentang jowa ni Karen sa usaping pagpapaligaya sa katawan.
Ang gusto lagi ni Karen ay pag-usapan ang mga napag-aaralan sa klase. Palibhasa’y may pangarap na mag-doktor pagkagradweyt, usapang katawan ang gusto ni Karen. Okey naman sana ‘yon kay Mark, pero ang usapang katawan ni Karen ay may kinalaman sa dugo, sa puso, bituka, baga, atay, at ang kung anu-ano pang nasa loob ng katawan. Usapang pagsupsop sa suso, pagsubo sa tarugo, at paglabas-masok sa puke sana ang gusto ni Mark. Pero numero unong konserbatibo si Karen, araw-araw kung makinig sa misa, ni hindi kayang basahin ang mga bahaging may romansahan sa mga pocketbook.
Minsang nahuli sa pagsundo si Mark kay Karen upang dalhin ito sa simbahan, si Martha ang bumungad sa kanya. “‘Di ka na naintay, mahuhuli na raw sa misa,” sabi ni Martha.
”Para sa reaksyon/suhestyon: email lamang sa sandilirio@yahoo.com o itext sa 09298149103