Page Title
International premiere ng first movie nina Piolo at Angel, pinag-aagawan na ng taga-TFC!
Written by Julie Bonifacio
August 27, 2008

NAGSIMULA NANG MAG-SHOOTING sina Piolo Pascual at Angel Locsin ng kauna-unahan nilang pelikula mula sa Star Cinema pagkatapos ng matagumpay na first team-up nila together sa teleseryeng Lobo ng ABS-CBN. Kung walang aberya, malamang nasa Bukidnoon na sina Piolo at Angel para roon mag-shoot ng movie nila.


Kailangang simulan na nila ang shoot ng movie dahil may playdate na sila sa Nobyembre. Ngayon pa lang, nag-uunahan na ang mga taga-TFC sa iba’t ibang city sa US na sila ang mauna na pagpapalabasan ng movie nina Piolo at Angel once na ipalabas ito sa Pilipinas. Napakalaki ng pagka-miss ng TFC subscribers na mapanood muli ang tambalan nina Piolo at Angel. At napakalakas din ni Angel sa TFC, huh!


Mabentang-mabenta rin  ang DVD ng Lobo mula sa Star Records. Pagkatapos nilang mag-shoot sa Bukidnon, tutulak patungong Australia sina Piolo at Angel.


Samantala, next na ang simula ng shooting ng balik-tambalan ng very successful tandem nina Vhong Navarro at Toni Gonzaga na tentatively titled Hurry Love sa direksyon ng box-office director na si  Cathy Garcia Molina showing on October.


Nagsu-shoot na rin ngayon ang Diamond Star ng first horror movie niya under Chito Roño para sa Star Cinema, ang project na may working title na T2 (Tenament 2).  Ito sana ang ikatlong project ng very successful din na tandem nina Direk Chito at ni Kris Aquino. But Kris had to begged-off for this project dahil sa maysakit na inang si ex-President Cory Aquino.
By December, ipalalabas naman ang MMFF entry ng Star Cinema na Ang Tanging Ina Ninyong Lahat. Hinahanda na rin ang follow-up movie nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. Posibleng mag-overlap ito sa paggawa ng movie ni John Lloyd with Batangas Governor Vi sa Star Cinema na magsisimula ang shooting by November.


Pero malabo raw na maging Valentine movie offering ng Star Cinema ang  second movie nina John Lloyd at Sarah dahil ayaw nilang tapatan ang movie nina KC at Richard sa GMA-7 na meron ng playdate sa February, 2009.



LUMIPAD NAMAN NU’NG Martes patungong Europe si Baron Geisler. Nakatsikahan namin si Baron pagkatapos ng The Buzz last Sunday. Hindi nahihiyang inamin ni Baron na naglambing siya ng pambaon kay Boy Abunda para sa pag-attend niya sa isang international film festival sa Venice.


Naimbitahan kasi ang pelikula niyang Jay sa nabanggit na filmfest sa Venice na si Baron din ang associate producer. Makakasama ni Baron sa trip ang direktor ng movie na si Francis Xavier Passion.


Ayaw palampasinn ni Baron ang pagkakataon na maka-attend sa ganito kalaking event na kasali ang movie niya at makakahalubilo pa niya sina Brad Pitt at iba pang international actors.


“Magpapa-picture talaga ako kay Brad Pitt doon, ‘tsaka first trip ko ito sa Europe,” masayang sabi ni Baron.


Nanggaling naman kay Mr. Johnny Manahan ng ABS-CBN Star Magic ang pamasahe ni Baron sa eroplano papuntang Europe.

 

PHOTO: PIOLO/ ANGEL

 

previous article