Page Title
Katrina Halili, itinatanggi ang isang sexy actor!
Written by Melchor Bautista
August 27, 2008


PASINTABI KAY KATRINA Halili, pero noong August 24, nakausap namin ang dating sexy actor at ngayo’y nagkokontrabida na rin sa pelikula na si Mike Magat, sa birthday party ni kasamang Roldan Castro, at nabanggit nito sa amin na nagkaroon talaga siya ng hinanakit kay Katrina, dahil sa nabalitaan niya nung nasa ibang bansa siya, na parang ayaw mapag-usapan ng sexy dramatic actress ang kanilang naging pagiging magkakilala, samantalang magkakilala naman sila talaga.


Hindi pa raw nag-aartista si Katrina, magkakilala na sila. Kaya nga raw, natuwa si Mike nang mabalitaan niya na sumali si Katrina sa StarStruck ng GMA-7 at mabilis ding nakilala sa showbiz. Ngayon daw sikat na sikat na ang morenang aktres, naiintindihan ni Magat kung ano ang dahilan nito kaya ayaw na siyang mapag-usapan. “Pupuwedeng baka makasama sa kanyang image. Baka iniingatan lang niya ang kanyang image, kaya ayaw na niya akong makilala at pag-usapan,” wika ng character actor.


Wala raw intensiyon si Mike na makisakay sa popularity ni Katrina. “Nalungkot lang talaga ako nung mabalitaan ko na idini-deny nga raw niya ako. Sabagay, hindi na ‘yan bago sa showbiz. Pero kung maiisip lang ni Katrina, alam niyang magkakilala kami at kung papaano kami nagkakilala. Alam niya rin, na kung anuman ang magandang nangyayari sa kanya ngayon sa career niya sa showbiz, happy ako para sa kanya,” banggit pa ni Mike.

 

 

FIVE MONTHS DING nawala sa Pilipinas si Aiza Marquez, at kasabay iyon ng biglang pagbubuntis ni Sheree at ang nakabuntis, ang kanyang ex-boyfriend at singer na si Gian Carlo Magdangal. Kaya naman marami ang nakisimpatiya sa kanya noon, na kaya siya pumunta sa AmeriKa ay dahil sa sama ng loob, na nakabuntis si Magdangal habang kakatapos lang nilang mag-break.


 “In fairness naman kina Sheree at Gian, hindi naman nila ako trinaydor. Wala na kami ni Gian nang magkabuntisan sila.  Okey naman sa akin kung ano ang nangyari. Tsaka hindi naman ako ang iniwan or pinagtaksilan. Walang gano’n, dahil ako naman ang nakipag-split kay Gian,” pagkaklaro ni Aiza.


Ipinagtanggol din naman ni Aiza ang kanyang sarili sa intrigang iniiwasan niya si Sheree, kahit nagpapakumbaba ito sa kanya. “Hindi, eh.  Kasi, okey naman kami ni Sheree. Tsaka nag-suggest pa nga ako ng magandang name para sa baby nila ni Gian. Hindi na kami mga bagets para mag-away. Okey kaming lahat pagkatapos ng relasyon namin ni Gian,” wika pa ni Aiza.

 

PHOTO: KATRINA HALILI

 

previous article