F.Y. Ay!: Si Beibei ang Isda!
Parazzi News Service
August 27, 2008
Si Beibei, isa sa limang Fuwa (kilala rin sa tawag na “The Friendlies) na mascot ng Beijing 2008 Olympic Games. Sa ancient China, naging tradisyon na ang paggawa ng mga simbolo at palatandaan upang ipaabot sa mga tao ang mabubuting mensahe. Dito nga sa Olympics, sumasagisag sa iba’t ibang biyaya ang bawat isa sa limang Fuwa – kasaganahan, kaligayahan, pag-ibig, kalusugan at swerte – na tinatamasa ng bawat nilalang sa mundo at isang paraan na rin para imbitahin ang lahat sa Beijing Olympics 2008!
Sa tradisyon ng Tsina, sumasagisag ang isda at tubig sa kasaganaan at pag-aani. Isinisimbolo rin ni Beibei ang anumang labis na mga bagay. Sa kultura ng mga Intsik, ibig sabihin nito, masagana ang taon pati na rin ang buhay.
Ang mala-tubig na disenyo ni Beibei na matatagpuan sa kanyang ulo ay makikita din sa mga larawan ng ancient China. Sa mga Fuwa, siya ang banayad at dalisay. Malakas siya pagdating sa mga water sports at nire-represent niya ang kulay asul na Olympic Ring.